Thursday, July 3, 2008

SI LUMAWIG AT ANG BATHALA NG MGA IFUGAW


Ayon sa mga ninuno ng Ipugaw sa Bontoc, sila ay nilikha ng Bathalang si Lumawig sa pamamagitan ng paghinga sa mga damo. Nagkakaroon iyon at doon nagmula ang mga Ipugaw.
Nang dumami ang mga Ipugaw, nagkulang na sila sa pagkain. Palibhasa’y bulubundukin ang lupa nila napakaliit lamang nga maaari nilang pagtaniman.
Sa awa ni Lumawig sa kanyang mga nilikha bumaba siya sa Lalawigang Bulubundukin at namuhay siya riin kasama ng mga Ipugaw.
Sa kanyang pakkikipamuhay roon, tinuruan niya ang mga Ipugaw na maging matiisin at matiyaga. Tinuruan fin niya ang mga iyon ng iba’t ibang paraan ng paghahalaman. Utang sa kaalamang ito at sa pagiging matiyaga ang pagkakayari ng mga Ipugaw ng kahanga-hangang hagdan-hagdang mga taniman sa bundol o rice terraces na balitang-balita sa buong daigdig.
Dahil kay Lumawig, ang mga Ipugaway nahirati sa paggawa. Naging kilala sila sa kasipaga. Kung hindi sila nagtatanim o umaani, sila sa ay humahabi o umuukit ng mga bagay na maaari nilang ipagbi;i. gumagawa rin sila ng mga bagay-bagay mula sa pilak at ginto, tulaf ng singsing, hikaw, pulseras, rosaryo, at mga palamuti sa bahay. Dahil dito, bumuti ang kanilang buhay.
Bilabg pasasalamat kay Lumawig, ang mga Ipugaw ay nagdaraos ng canao, naipapahayg nila ang kanilang pagmamahal, paggalang, at pasasalamat kay Lumawig, ang kanilang Bathala.

ANG LOBO AT ANG UBAS


Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.

Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon," ang sabi niya sa sarili.


Mga aral ng pabula:
Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang "sour grape" o "maasim na ubas" dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan.

Ang sour-graping o pagsasabi ng "sour grape" o "maasim na ubas" ay maaaring pagtatakip lang sa isang pagkukulang o pampalubag-loob sasarili dahil sa pagkabigo ng isang tao na makamit ang kanyang gusto.

ANG PABULA NG KABAYO AT NG KALABAW


Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabao at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit. "Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamitkeysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw. "Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad. "Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw. "Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo. Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw. Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

Mga aral ng pabula: Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay magtutulungan.